PNP, nagbabala sa mga insidente ng nakawan ngayong magpa-Pasko

Mahigpit na nagbabala ang Philippine National Police o PNP Mangaldan sa publiko na mag-ingat sa mga insidente ng nakawan lalo na ngayong papalapit na ang holiday season.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, ang hepe ng Mangaldan PNP na mataas ang naitatalang kaso ng pagnanakaw tuwing mag-papasko at wala na rin aniyang piniling oras ang pag-atake ng mga kawatan.

Upang maiwasan na mabiktima ang ganitong insidente, sinabi ni Caldelario na dapat hindi basta-basta magtitiwala sa hindi kakilala, kilatising mabuti ang mga taong nagpupunta sa bahay lalo na kung ang mga ito ay nag-aalok ng promo.

Mas mabuti din aniya na kung aalis na bahay, siguraduhing nakakandalo ang bahay, ibilin ang bahay sa mapagkakatiwalaang kapit bahay, at huwag din aniyang agad magbigay ng impormasyon lalo na sa social media.

Una rito, aabot sa 100 libong piso halaga ng pera at ari-arian ang natangay ng magnanakaw sa isang residente ng mangaldan makaraang magpanggap itong kakilala ang anak ng may-ari ng bahay.

Speak Your Mind

*