Pokwang, bilib sa kapwa komedyanteng si Ai-Ai De Las Alas

Bilib na bilib talaga ang komedyanteng si Pokwang sa kaniyang idolong si Ai-Ai Delas Alas kung sa pagpapatawa lang ang pag-uusapan.

Sinabi ni Pokwang na malaki ang kaniyang respeto sa pagiging comedy queen ni ai-ai.

Ayon kay Pokwang, taglay ni A-Ai ang angking talino para makuha ang kiliti nang bawat manonood sa kaniya.

Kung kaya’t wala aniya siyang balak na agawin ang trono sa komedyanteng aktres dahil iisa lang aniya ang dapat na maging comedy queen sa Pilipinas.

Ang pagiging reyna ng komedya ay ibinigay na aniya kay Ai-Ai ilang taon na ang nakakaraan kaya’t walang duda na si Ai-Ai lang ang dapat umangkin nito.

Bukod nga sa pagiging comedy queen ay ibinigay rin kay Ai-Ai ang titulong comedy concert queen.

Sa kabila nito, marami pa rin ang nagsasabi na posibleng si Pokwang na ang susunod na comedy queen dahil sa tagumpay ng kaniyang mga ginawang pelikula na pawang tumabo sa takilya.

Speak Your Mind

*