PPH, pinag-iingat ang publiko sa common cold disease

Nagbabala ang Pangasinan Provincial Hospital o PPH sa publiko sa ibat-ibang sakit na posibleng makuha ngayong pabago-bago ang lagay ng panahon.

Ayon kay PPH Administrator Dr. Policarpio Manuel, karaniwang dinadala ngayon sa hospital ang mga pasyenteng tinatamaan ang common cold o mga sakit na ubo, sipon at pag-atake ng asthma.

Karaniwan aniyang dahilan ng pag-atake ng asthma o hika ang pagdami ng dayami, pag-usbong ng mga bulaklak, at ang pagkakaroon ng makapal na usok at alikabok.

Maiiwasan naman ani Dr. Manuel ang mga sakit na ito kung lalayo sa matataong lugar, mag-iingat sa mga posibleng dahilan ng naturang sakit.

Mas mabuti rin umanong palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng tamang pagkain, pagkakaroon ng regular na ehersisyo at panatilihin ang malinis na pangangatawan.

Samantala, bukod sa naturang mga sakit, patuloy parin ang pagmomonitor ng PPH sa mga sakit tulad ng dengue kung saan matuloy na tumataas ang kaso nito sa lalawigan.

Speak Your Mind

*