PPJ, pinabulaanan ang pahayag ng takas na priso na pinayagan siyang makauwi ng bahay

Muling iginiit ng Pangasinan Provincial Jail (PPJ) na hindi pinahintulutan ng pamunuan ang nakatakas na priso na dalawin ang anak nito.

Ito ang reaksyon ng PPJ matapos idawit ng balik kulungan na babaeng priso na siya ay pinahintulutang ng isang jailguard na makauwi sa kanilang bahay.

Ayon kay Porferio Cruz, Assistant Warden ng Provincial Jail na mahigpit nilang pinagbabawalang dumalaw ang sinumang priso sa kanilang kaanak.

Paliwanag ni Cruz na nagkaroon ng pagkakataon na makatakas ang priso habang nagpapa-check-up sa lingayen district hospital.

Iniwan ng jailguard ang priso sa kanyang kinauupuan para kunin ang laboratory examination ngunit tumakas na ito.

Dagdag pa ni Cruz na nakaposas ang priso nang dalhin ito sa ospital ngunit nang lapatan ng pangunahing lunas ay tinanggal ito.

Sa batas ay kinakailangan ng court order bago makalabas ang priso sa kulungan liban lamang sa emergency situation.

Speak Your Mind

*