PRC-Dagupan, hinikayat ang publiko na makilahok sa Million Volunteer Run

Hinihimok ng Philippine Red Cross (PRC) ang mamamayan na sumali sa Million Volunteer Run na sabay-sabay na isasagawa ng 100 chapters ng PRC sa buong bansa.

Ayon kay Rex Escano, ang Communication and Event Officer ng PRC-Pangasinan Chapter sa lalawigan ay gaganapin ito sa mga lungsod ng Alaminos, Dagupan at Urdaneta.

Ilang kategorya ang binuo para sa PRC Million Volunteer Run na kinabibilangan ng 3 kilometers para sa mga estudyante at ang babayaran sa rehistrasyon ay 150 pesos, samantalang ang 3K, 5K at 10K para sa adult ay 400 pesos para sa registration at sa 21 k naman ang babayaran sa registration ay 500 pesos.

Ang nalikom na halaga sa Fun Run ay ibibili ng equipments para sa Disaster Preparedness, Disaster Relief, Information Campaign at iba pang serbisyo ng Red Cross.

Speak Your Mind

*