Presyo ng ilang noche buena products, nagsimula nang magtaasan

Nagsimula nang magtaasan ng presyo ng ilang noche buena products isang buwan bago ang pasko.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Victorio Dimagiba, tumaas ang presyo ng isang brand hamon sa merkado.

Aniya, tumaas ang presyo nito ng tatlo hanggang limang porsyento kumpara noong nakaraang taon.

Gayunman, tiniyak ni Dimagiba na sinusunod ng mga retailers at suppliers ang kanilang ipinatupad na Suggested Retail Price o SRP.

Speak Your Mind

*