Presyo ng isdang galunggong, pinangangambahang tumaas ngayong buwan

Pinangangambahang tumaas ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan ngayong buwan.

Ito’y matapos ipag-utos ng Department of Agriculture o DA ang pansamantalang pagpapatigil sa panghuhuli ng naturang isda sa Palawan dahil sa kumukonting supply nito.

Kaugnay nito, hinimok ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang mga tindera ng isda na huwag manamantala sa presyo bunsod ng fishing ban.

Tiniyak ni Alcala na babantayan ng kanyang ahensya ang galaw ng presyo ng galunggong sa mga pangunahing palengke.

Giit ng opisyal, hindi dapat itaas ang presyo nito sanhi ng moratorium dahil hindi lang naman sa Palawan nahuhuli ang galunggong.

Speak Your Mind

*