Presyo ng karne sa lungsod ng Dagupan, hindi tataas hanggang kapaskuhan

Walang paggalaw sa presyo ng karne na ibenebenta sa merkado sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang tiniyak ni Dr. Conrado Fernandez, City Veterinary Officer ng Dagupan sa patuloy na pagmomonitor ng kanyang opisina sa presyo ng karne ng manok, baboy at baka.

Ang presyo ng isang kilo ng karne ng manok ay 125 hanggang 140 pesos, ang baboy naman ay 190 pesos, boto ng baboy na may laman ay 160 pesos, habang ang karne naman ng baka ay 250 pesos.

Payo ni Fernandez sa mga mamimili na maagang bumili ng karne para tiyak na sariwa pa.

Speak Your Mind

*