Presyo ng mga produktong petrolyo at lequified petroleum gas, tumaas

Nagkaisa ang mga kompanya ng langis na magtaas ng presyo ng gasolina at kerosene kabilang na ang lequefied petroleum gas o LPG

Ito’y dahil sa maliit na resulta ng trading nitong nakaraang linggo sa presyo ng produktong petrolyo.

Magtataas ng beynte singko sentimos bawat litro sa mga presyo ng gasolina ang Petron, Shell, Caltex at Seaoil simula ngayong alas sais ng umaga.

Kasabay rin nito ang pagtataas ng sampung sentimos sa bawat litro para sa mga produkto ng kerosene.

Nagpahayag din ang Phoenix Petroleum at PTT Philippines ng dagdag na beinte singko sentimos sa bawat litro ng gasolina simula rin ngayong alas sais ng umaga.

Nauna nang nagtaas ang presyo ng lpg kabilang ang Solane, Gasul, Petronas ng dalawang piso at siyamnapu’t limang sentimos 2.95 bawat kilogram.

Samantalang ang Liquigaz ay nagtaas ng dalawang piso at limampung sentimo kada kilogram simula alas dose uno kaninang hatinggabi.

Dalawang piso at siyamnapung sentimo naman ang itataas sa presyo ng EC-Gas bawat kilogram simula ngayong alas sais ng umaga.

Speak Your Mind

*