Presyo ng noche buena products sa Pangasinan, tumaas na ayon sa DTI

Bahagyang tumaas ang presyo ng mga noche buena products ngayong papalapit na ang christmas season dito sa lalawigan ng Pangasinan

Ayon kay Engr. Peter Mangabat, ang Provincial Director ng Department of Trade and Industry (DTI) –pangasinan ang kanilang basehan sa pagtaas ay ang pagkukumpara ng Suggested Retail Price (SRP) ng mga noche buena products noong nakaraang taon, na siyang sinusunod pa rin sa kasalukuyan ng ahensya.

Kabilang sa mga produktong may bahagyang pagtaas ang presyo ay macaroni, hamon, tomato sauce at sandwich spread.

Inaantay na ng DTI ang bagong srp ngayong taon na inaasahang ilalabas ngayon linggo.

Sinabi ni Mangabat na ang trend ay tataas ang SRP dahil isang taon na rin ang nakalipas at nagbago na rin ang acquisition cost at dollar exchange rate.

Speak Your Mind

*