Presyo ng sibuyas sa bayan Bayambang, tumaas

Tumaas ang presyo ng sibuyas sa merkado sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Mecedes Peralta, ang pagtaas ng presyo ng sibuyas ay bunsod ng mababang suplay ngunit mataas naman ang pangangailangan.

Sa pananalasa ng bagyong Lando ay aabot sa 260 ektarya ng taniman ng sibuyas sa bayan.

Sa ngayon ay umabot na sa 100 hanggang 120 pisos ang presyo ng kada kilo ng native na magandang klase ng sibuyas.

Ang regular na pulang sibuyas ay mabibili na ngayon sa 100 pisos kada kilo kumpara sa dati nitong presyo ng 80 pisos.

Samantalang ang imported na sibuyas ay 70 pisos kada kilo mula sa presyo nito noong nakaraang linggo na 60 pisos.

Inaasahan pa raw na tataas ang presyo ng sibuyas sa mga susunod na araw.

Speak Your Mind

*