‘Presyo ng tinapay, instant noodles bababa’ – DTI

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturers na ibaba ang presyo ng instant noodles ng P0.24 hanggang P0.30 kada pakete.

Kung hindi makakapagbaba ng presyo ang mga manufacturer sa Nobyembre 5 ay dapat na magpaliwanag ang mga ito.

Ayon sa DTI, ang pagbaba ng presyo ng instant noodles ay dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng trigo sa pandaigdigang merkado.

Sa Nobyembre 15 ay nakatakda namang magbaba ng P0.50 hanggang P1.00 kada pakete ang tinapay kabilang ang pinoy pandesal at pinoy tasty.

Nasa 20% naman ng noche buena items ay may pagtaas ng P0.05 hanggang P35 kabilang ang ham, macaroni at fruit cocktail.

Ilalabas ng DTI sa ikalawa o ikatlong linggo ng Nobyembre ang Suggested Retail Price (SRP) para sa mga Noche Buena products.

Speak Your Mind

*