Problema sa quorum ng Kamara, balakid sa pagpapatibay ng BBL

Malaking balakid pa rin sa pagpapatibay sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ang kawalan ng quorum sa Kongreso.

Ito ang inamin ni House Deputy Majority Leader Jorge Banal kaugnay sa pagbabalik-trabaho ngayon ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng kongreso.

Nagbabala si Banal na posibleng lumala ang problema sa quorum lalo na’t nagbababad na ang mga mambabatas sa kanilang mga distrito.

Maraming kongresista na aniya ang namamalagi sa kani-kanilang distrito upang paghandaan ang nalalapit na eleksyon.

Pangunahing problema pa rin ng Kamara ay quorum at nakabuo lang ang mga ito ng sapat na bilang ng pagbotohan na ang 2016 National Budget noong Oktubre 9 hanggang 10.

Maliban dito, epektibo rin aniya ang taktika ng mga anti-BBL Congressmen para i-delay ang pagpapatibay sa nasabing panukalang batas kaya hindi ito nakaahon sa period of interpellation.

Speak Your Mind

*