Producers ng Puto Calasiao, naghahanda na para sa Puto Festival at kapaskuhan

Naghahanda na ngayon ang mga gumagawa ng puto sa bayan ng Calasiao sa inaasahang pagtaas ng pangangailangan ng produkto ngayong Disyembre.

Inaaasahang triple sa kasalukuyan nilang naibebenta kada araw na isang-daang kilo dahil na rin sa nalalapit na Puto Festival at sa kapaskuhan.

Ayon kay Municipal Tourism Officer Verliza Abila ang pagdiriwang ng Puto Festival ay itinakda umpisa December 8 hanggang 13.

Kada taon ay marami ang bumibisita sa kanilang lugar para tunghayan ang mga aktibidades.

Tiniyak naman ni Abila na hindi tataas ang presyo ng puto calasiao sa disyembre.

Sa ngayon ang plain puto ay mabibili sa otsenta pisos kada kilo habang isang-daang piso naman ang flavored puto.

Speak Your Mind

*