Programa ng SSS, tumanggap ng pagkilala mula sa Interntional

Umani ng pagkilala sa katatapos na International Social Security Association (ISSA) Good Practice Awards for Asia and the Pacific ang Social Security System (SSS) kaugnay sa kanilang mga programa na layong maabot ang marginalized sectors sa bansa.

Sa nasabing ISSA Awards, pinarangalan ang mga programa ng SSS na kinabibilangan ng ALKANSSSYA Campaign na nakatutok sa mga kooperatiba at mga microfinance intstitutions sa malalayong mga lalawigan.

Binibigyan ng nasabing programa ng SSS ang mga maliliit na mga samahan at negosyo ng pagkakataon na mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng tulong pinansiyal.

Sa nasabing International Event ay kinilala rin ang Social Security Subsidy Program na nakatutok naman sa mga contractual workers o ang mga nasa tinatawag na “Job Orders” sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Speak Your Mind

*