Pulitika, itinuturong dahilan kaya bigo pa ring maipasa ang Tax Reform Bill

May politika sa magkasalungat na posisyon ng kamara at senado sa panukalang tapyasan ang income tax.

Ito ang tahasang sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay matapos ang pahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na wala nang oras ang kongreso para ipasa ang naturang panukala.

Ayon kay Tanjusay, politika ang dahilan kung bakit pursigidong maisulong sa senado ang Tax Reform Bill taliwas sa posisyon ng liderato ng kamara.

Samantala, sinang-ayunan din ni Tanjusay ang pahayag ni 1-BAP Partylist Representative Silvestre “Bebot” Bello III na mayroong kapangyarihan ang kongreso na ipasa ang Tax Reform Bill kahit pa walang basbas ni Pangulong Noynoy Aquino.

Speak Your Mind

*