RDRRMC 3, nakaantabay sa mga Apec delegate na lalapag sa Clark

Patuloy na nakaantabay ang mga miyembrong ahensya ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Gitnang Luzon sa mga delegado ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Meetings na lalapag sa Clark International Airport.

Sa ikalimang araw ng pagbabantay sa Clark Air Base, sinimulan ng nakatalagang Incident Commander na si F/Cinsp Ronnie Barrera ang operational briefing para sa lahat ng miyembro ng Emergency Preparedness Response Team.

Dito tinukoy ang gampanin ng bawat ahensiya kasapi ng incident team kabilang ang pagplaplano, medical group, search and rescue group, support group, logistics, at public information.

Binigyan diin ni Barrera na ang tanging layunin ng binuong task group ay siguruhin angĀ  kaligtasan ng mga first responders, publiko at lahat ng matataas ng opisyal na dadalo sa APEC.

Speak Your Mind

*