Residente ng Ilocos Norte, kinatawan ng Ilocos Region sa 42nd SSEAYP

Mapalad ang 28 kabataang lideres mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas na napiling Youth Ambassadors of Goodwill sa 42nd Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Program (SSEAYP).

Sakay ng mamahalin at makasaysayang Nippon Maru Cruise, sa loob ng 51 araw, mula Oktubre  a bente syete hanggang Disyembre a dise sais, ay maglilibot ang mga kalahok sa Japan, Pilipinas, Myanmar, Malaysia at Vietnam.

Sa paglilibot ng mga youth ambassadors na tinawag na Batch Saligan, sa iba’t ibang bansa ay magkakaroon sila ng pagkakataon na maging bahagi ng talakayan kaugnay sa pangunahing social issues ng isang bansa.

Para naman mapalawak pa ang kanilang pananaw sa lugar ay aalamin at makikibahagi ang mga ito sa cultural introductions, institutional visits at community service ng dadalawing bansa.

Ang SSEAYP ay taunang ipinapatupad ng Japanese Government na diplomatic cultural affair para magtipun-tipon ang 300 kabataan mula ASEAN-member countries at ang Japan.

Ang kinatawan ng Ilocos Region sa nasabing programa ay si Neil Joaz Lagundino ng Ilocos Norte na nagtapos ng Management Accounting sa Mariano Marcos State University (MMSU) at dating nagta-trabaho bilang coordinator ng Sirib Youth Organition, ang Youth Arm ng Provincial government ng Ilocos Norte.

Speak Your Mind

*