“Rimat Ti Amianan”, tampok ang ibat-ibang produkto ng rehiyong uno

Bukas ngayon sa publiko ang “Rimat Ti Amianan” isang trade fair na pinangungunahan ng Depertment of Trade and Industry o DTI na nagsimula Nobyembre a-tres at magtatapos sa Nobyembre a-trese sa CSI Mall  sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Natalia Dalaten, hepe ng Trade and Industry Division ng DTI-Pangasinan na aabot sa 46 exhibitors mula sa regIon 1 ang nakiisa sa proyekto upang maipakita rin ang kani-kanilang mga produkto.

Sinabi pa ni Dalaten na sa loob ng sampung araw ng trade fair, tampok ang ibat-ibang produkto kabilang na ang mga food items, woodcrafts, novelty items, potteries and wearables ibang mga gamit na gawa sa recycled materials.

Makatitiyak din aniya na ang mabibiling produkto ay gawa ng maliliit na negosyante mula sa lalawigan ng pangasinan, la union, ilocos sur at ilocos norte.

Speak Your Mind

*