RJPSCC, naghahanda na para sa 2016 eleksyon

Pinaghahandaan na ng Regional Joint Peace and Security Coordinating Center (RJPSCC) sa rehiyon uno ang nalalapit na 2016 election.

Sinabi ni Chief Supt. Ericson Velasquez, ang acting Regional Director ng Police Regional Office One na nagkaroon ng konperensya ang mga miyembro ng RJPSCC noong isang araw.

Pinag-usapan nila ang hinggil sa pagpa-plano ng seguridad, mga Election Watch List Areas (EWAS) at mga naganap na insidente na may kaugnayan sa halalan noong nakaraang eleksyon at ang situwasyon ng insurgency sa rehiyon.

Giit ni Velasquez na mahalagang pagtuunan ng pansin ang nakaraang mga insidente na may kaugnayan sa eleksyon at i-ugnay ito sa kasalukuyan para mas makabuo ng maganda at nararapat na aksyon sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan.

Dagdag nito na dapat ay patuloy ang adbokasiya sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad bago hanggang sa matapos ang election period.

Speak Your Mind

*