Robin Padilla, isinuko ang baril na expired ang lisensya

Personal na isinuko ng aktor na si robin padilla ang kaniyang mga armas sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng Camp Crame.

Kabilang dito ang dalawang M16 armalite rifle, isang garand rifle at isang 30 caliber machine gun dahil paso na ang mga lisensiya nito.

Ayon sa legal counsel ni Padilla na si Atty. Rudolf Philip Jurado, ayaw ng aktor ng sakit ng ulo dahil expired na ang lisensiya ng mga baril.

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang aplikasyon ng License to Own and Possess Firearms habang nasa kostudiya ng PNP ang mga baril.

Idinagdag pa ni Jurado na nais ding magsilbing modelo ng aktor para sa iba pang nagmamay-ari ng mga baril sa buong bansa.

Matatandaang si Padilla ay nakulong na noon dahil sa kasong Illegal Possession of Firearms.

Speak Your Mind

*