Roy Señeres, handang magpa-substitute kay Mayor Duterte sa tatlong kondisyon

Handang magpa-substitute si OFW Partylist Representative Roy Señeres kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte para sa pagkapangulo sa 2016 elections.

Naglatag si Señeres ng tatlong kondisyon para pumayag na palitan siya ni Duterte.

Ito aniya ay kung maipapangako ni Duterte na titigilan na nito ang pag-tira kay Senadora Grace Poe sa isyu ng citizenship nito.

Pangalawa ay dapat aniyang maging pro-life na si Duterte at hindi na pro-death.

At pang-huling kundisyon ni Señeres ay dapat na isulong ni duterte ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWS).

Iginiit pa ni Señeres na bagamat magkaiba sila ng partido ni Duterte ay maaaring palitan siya nito kung manunumpa ito sa kaniyang Patridong Filipino Family Party o FPP.

Speak Your Mind

*