Sam Concepcion, game na game na daw sa hubaran

Inilunsad na si Sam Concepcion bilang endorser ng Calayan Surgicenter ng sikat na beauty surgeon na si dr. Manny Calayan at ang kanyang misis na si Dra. Pie Calayan.

Ie-endorse ni Sam ang body sculpting treatment, meaning mas pagagandahin pa ang katawan ni sam para mas lalong maging hunk.

Simula na raw ‘to ng pagbabago ng imahe ng binata bilang artista.

Kaya huwag na daw magulat kung isang araw ay masilayan na si sam na medyo nagpapa-sexy sa kanyang performance o ‘di kaya ay maghubad ng kanyang shirt sa stage o sa teleserye.

Tiyak daw sa aabangan ang paglabas ng sexy promo materials ni sam na nakahubad, topless at naka-jogging pants.

Speak Your Mind

*