Sam Milby, pinakabagong leading man ni Julia Montes sa “Doble Kara”

Ratsada ngayon sa ilang show ang aktor na si Sam Milby, una rito ang pagpasok nya sa teleseryeng “Doble Kara” na napapanood sa Kapamilya Gold at pinagbibidahan ni Julia Montes.

Si Sam ang magiging pinakabagong leading man ni Julia at gagampanan niya ang role na Sebastian at magiging karibal ng mga karakter nina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles.

Abala rin ang hunk actor sa isa pang teleserye na nagsimula narin ang shooting ang “Written In Our Stars” kasama sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Jolina Magdangal, at Sarah Lahbati.

bukod pa sa dalawang teleserye ay naghahanda narin si sam sa “The Milby Way’ ang kanyang 10th anniversary concert na gaganapin sa Nov. 28 sa the KIA Theatre sa Araneta Center.

Speak Your Mind

*