Sapat na suplay ng karne mula sa bayan ng Mangaldan sa pasko at bagong taon, tiniyak

Tiniyak ng pamunuan ng slaughterhouse division sa bayan ng Mangaldan na sapat ang suplay ng baboy, kalabaw at baka na kanilang kinakatay sa araw-araw kahit tumaas na ang demand sa karne.

Ayon kay Veronica Junatas, ang chief ng slaughterhouse division ng Mangaldan mula noong Undas ay tumaas na ang bilang ng kanilang kinakatay na mga hayop dahil papalapit na ang kapaskuhan.

Dagdag nito na ngayon ay labing-walong oras na rin na operational ang livestock market at maaaring madagdagan pa ito pagsapit ng Pasko.

Ang kinakatay ngayon na baboy sa mangaldan livestock market kada araw ay aabot sa 150 piraso, 220 na baka, habang 200 hanggang 270 naman na kalabaw.

Siniguro ni Junatas na magiging stable ang presyo ng karne sa pasko at bagong taon.

Ang karne mula sa Mangaldan ay nakakarating sa mga karatig lugar sa lalawigan, gayundin sa lungsod ng Baguio at probinsya ng La Union.

Speak Your Mind

*