SBP, handang-handa na sa formal bid para sa Olympic World Qualifiers

Hindi na mapakali ang samahang basketbol ng pilipinas kaya handang-handa na silang ipadala ang mga dokumento sa FIBA General Headquarters sa Geneva.

Ito’y dahil bukas na ang deadline para sa pagsusumite ng formal bid para sa isa sa tatlong Olympic World Qualifiers.

Maliban sa Pilipinas, ang iba pang nagsumite ng letter of intent to bid para sa isa sa tatlong Olympic World Qualifiers ay ang Mexico, Italy, Turkley, Russia, Germany, Serbia at Iran.

Hangad ng SBP, sa ilalim ng pamamahala ni president manny pangilinan, na mapangasiwaan ang isa sa tatlong Olympic World Qualifiers para mapa­lakas ang tsansa ng Gilas Pilipinas na makakuha ng tiket sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Speak Your Mind

*