Sen. Tito Sotto at Joey de Leon, binatikos dahil sa Arab Costume

Umani ng batikos ang dalawang beteranong komedyanteng sina Senador Tito Sotto at Joey De Leon dahil sa kanilang pagsusuot ng arab costume sa Halloween special ng noontime show na Eat Bulaga.

Ayon kay Autonomous Region of Muslim Mindano Gov. Mujiv Hataman, labis silang nasaktan dahil sa ginawang katawa-tawa umano ang iniingatang kasuotan sa mga arabo o sa mga muslim na inihalintulad sa mga zombies.

Dahil dito, hiningan ni Hataman ng public apology sina Tito Sen at Joey dahil sa ginawa nitong pambabastos sa mga Muslim.

Nauna rito ay sinabi ng ilang Manila-Based Muslim Organization na pag-iisipan nila kung ano ang puwedeng ihaing reklamo sa dalawang TV hosts dahil sa tila pambabastos sa relihiyong Islam.

Speak Your Mind

*