Solid Waste Management Program Seminar – ikinasa ng DENR-EMB

Hinihimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng mayor sa rehiyon uno na dumalo sa seminar kaugnay sa green program.

Sinabi ni Venus Junio, ang Chief for Environmental Education ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) Region One na tatalakayin sa seminar ang pagpapatupad ng Solid Waste Management Program.

Lumalabas sa pag-aaral na ang hindi tamang pagtatapo ng basura ay isa sa pinaka-matinding dahilan sa pag-init ng mundo.

Ang green program seminar ay proyekto ng Philippine Information Agency (PIA) at DENR-EMB sa pamamagitan ng DENR-Climate Change Division.

Ang seminar ay isasagawa sa Laoag City, lalawigan ng Ilocos Norte mula December 7 hanggang 11.

Speak Your Mind

*