South at North Korea, nagharap para sa binabalak na high-level talks

Nagharap ang mga opisyal ng North Korea at South Korea sa kanilang border para pag-usapan ang binabalak na high-level talks ng magkaribal na bansa.

Ayon sa South Korean Unification Ministry, layunin ng pag-uusap ngayong araw na maitakda kung kailan ang high-level talks at ang mga agenda na tatalakayin.

Noong Agosto ay kapwa nagkasundo ang Seoul at Pyongyang na magsasagawa ng high-level dialogue para mapagbuti pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Speak Your Mind

*