Suplay ng karne sa lungsod Dagupan ngayong kapaskuhan, sapat

Tiniyak ng Dagupan City Veterinary Office na walang mararanasang kakulangan ng suplay ng karne sa merkado ngayon at hanggang sa kapaskuhan.

Ayon kay Dr. Conrado Fernandez, City Veterinary Officer ng Dagupan karamihan ng karne ng manok, baboy at baka na ibenebenta sa lungsod ay mula sa bayan ng Mangaldan.

Sinabi ni Fernandez na ang slaughterhouse ng Mangaldan ay accredited at double a ang klasipikasyon kaya protektado ang kaligtasan ng mga mamimili dahil dumaan ang karne sa anti-mortem at post-mortem.

Siniguro rin nito na sobra ang suplay ng baboy at manok sa merkado hanggang kapaskuhan.

Speak Your Mind

*