Suplay ng local fruits sa Urdaneta City, nagkukulang na

Nakakaranas na nang kakulangan sa suplay ng local fruits sa Bagsakan Market sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan, dahilan upang sumirit naman ang presyo ng mga imported fruits.

Ayon kay Cesar Esteosta ang Market Supervisor ng lungsod, bunga umano ito ang paghihigpit ng mga fruits dealer sa Metro Manila bilang paghahanda narin sa papalapit ng kapaskuhan.

Sinabi pa ni Esteosta na malaki ang epekto nito hindi lang sa mga mamimili sa pangasinan kundi sa mga fruits dealaer mula sa karatig lalawigan ng La Union, Ilucos, at Tarlac.

Sa ngayon, dumoble na ang presyo ng mga imported na prutas, tulad ng mansanas at peras na mula sa P20 kada piraso ay umakyat na ang presyo sa tatlo isandaan o P35 kada piraso habang ng sampung piso naman ang itinaas sa preso ng kiyat-kyat na p60 kada kilo.

Bunga nito, sinabi ni Esteosta na posibleng mas tumas pa ang presyo nito sa panahon ng kapaskuhan.

Speak Your Mind

*