Tab Baldwin, masaya sa magandang response manlalaro ng Gilas

Magandang simula para sa Gilas 3.0 ang magandang response na ipinakita ng Gilas Pool kahapon para sa kanilang unang practice session.

Masaya si Gilas Head Coach Tab Baldwin na makasalamuha ang mga first timers at ang mga nagbabalik sa Philippine Team.

Ani Baldwin, marami pang trabaho at training ang kailanganing gawin ng Gilas para makipagsabayan sa Olympic Qualifier na gaganapin sa susunod na taon

Kabilang sa mga unang dumating kahapon ay sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Marc Pingris, Ian Sangalang, Troy Rosario, Matt Ganuelas-Rosser, Gabe Norwood, Marcio Lassiter, Jeff Chan, Ryan Reyes, Jayson Castro, Terrence Romeo at LA Tenorio.

Late naman sina Calvin Abueva na kagagaling lamang sa Dubai at Paul Lee na apektado ng trapik sa Edsa.

Ang beteranong si Ranidel De Ocampo lamang ang wala sa 17-man pool dahil patuloy pa rin ang recovery nito sa back injury

Speak Your Mind

*