Taxi Driver na nagtanim ng bala sa bag ng pasahero, ipapatawag ng LTFRB

Sisiyasatin na rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano’t taxi driver na nasasangkot sa “tanim bala”.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez, susulatan na nila ang driver at operator ng Vigil Taxi na may Plate Number UVK 190.

Sinabi ni Ginez na nais nilang imbestigahan ang umano’y pagtatanim ng bala ng isang taxi driver sa bagahe ng pasahero nito.

Plano naman ng LTFRB na sa miyerkules maitakda ang pagdinig sa reklamo.

Di pa namang direktang matutok ng LTFRB kung nakarating na rin ba sa sektor ng transportasyon ang kontrobersyal na tanim bala.

Samantala, iimbestigahan na rin ng tanggapan ng ombudsman ang tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Speak Your Mind

*