Terence Crawford, kumpiyansang makakalaban si Manny Pacquiao

Kumpiyansa si Unbeaten WBO Super Lightweight Champion Terence Crawford na makakalaban nito sa People’s Champ Manny Pacman Pacquiao sa susunod na taon.

Sa isang interview, sinabi ni Crawford na magsisilbing Passing of Torch ang mangyayari kung matatalo niya si Pacman.

Sinabi din ni Crawford na magiging paborable sa kanya ang magiging laban sa pambansang kamao dahil sa zero loss record nito at di hamak na mas bata ito kay Pacquiao.

Sa Abril a nuebe sa susunod na taon, inaasahang babalik muli sa lona si Pacquiao sa pinakahuling laban nito bago magretiro sa boksing.

Nauna namang ihihayag ni Pacquiao na sa susunod na taon na ang kanyang retirement sa boksing upang paghandaan ang pagpasok nito sa mas mataas na posisyon sa pulitika.

Speak Your Mind

*