Territorial dispute, imposibleng mapag-usapan sa APEC Summit

Malabong mapag-uusapan sa Asia Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting ang usapin hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ng China at ng Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson at Assistant Secretary Charles Jose, wala pang kumpirmasyon kung magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Benigno Aquino III at si Chinese President Xi Jin Ping.

Pero ayon kay Jose, nagkasundo naman na sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Chinese Foreign Minister Wang Yi na magkaroon ng foreign ministry consultations.

Nilinaw naman ni Jose na kaya hindi mapag-uusapan ang isyu sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ay dahil na rin sa nakabinbing arbitration case sa United Nations Arbitral Tribunal  sa the Hague, The Netherlands.

Naniniwala naman si Dr. Jay Batongbacal, direktor ng U-P Institute for Maritime Affairs & Law of the Sea na isang magandang indikasyon ang mainit na pagsalubong ng pilipinas kay Chinese Foreign Minister Wang Yi para sa papalapit na apec leaders’ meeting.

Ayon kay Batongbacal marami pang aspeto ng relasyon ng Pilipinas ang China at dapat pagtuunan ng pansin.

Speak Your Mind

*