Terrorist attacks sa Paris, hindi magiging hadlang sa pagdalo ni PNoy sa COP21

Tuloy ang pagdalo ng Pangulong Noynoy Aquino sa 21st Conference of Paris (COP21) ng United Nations sa kabila ng naganap na serye ng terrorist attacks sa Paris kamakailan.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Cleofe Trinidad, all systems go ang hosting ng Paris Government sa COP21 sa kabila ng naganap na pag-atake ng Islamic State sa kanilang lugar.

Nagbigay naman ng katiyakan ang French Embassy sa pamahalaan ng Pilipinas para sa kaligtasan ng lahat ng dadalo sa nasabing high level event.

Inaasahang magbibigay ng keynote speech ang Pangulong Aquino sa climate vulnerable forum sa sidelines ng COP21 kung saan ang Pilipinas ang kasalukuyang chairman.

Matatandaang hindi bababa ng 130 ang nasawi sa naganap na serye ng pagatake ng Islamist State sa Paris na naganap nitong November 13.

Speak Your Mind

*