TESDA-Pangasinan, nagtataguyod ng skills training sa mga barangay

Tinututukan rin ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA-Pangasinan ng community based skills training.

Ipinaliwanag ni Genevive Sanchez ng TESDA-Pangasinan na ito ay isang uri ng pagsasanay sa mga barangay na kinakailangan ng mga mamamayan na matuto ng mga skills dahil mayroon na rin silang mga materyalis na gagamitin.

Kabilang sa mga kasanayan na itinuturo sa mamamayan ay ang haircut, pedicure, manicure, wellness massage at iba pa.

Samantala, kinumpirma ni Sanchez na nag-aalok ng Private Education Student Financial Assistance (PESFA) Scholarship ang TESDA.

Ang PESFA sa Pangasinan ay district type ngunit ang pundo ay idinadaan sa TESDA para matiyak na tama ang pagpapatupad.

Sinabi ni Sanchez na ito ay para sa mga nagtapos ng sekondarya na gustong makakuha ng scholarship dahil kulang sila sa financial capacity.

Speak Your Mind

*