TESDA- Pangasinan Team, pasok sa National Skills Competition

Kampeon ang mga taga-Pangasinan na lumahok sa 16th Regional Skills Competition ng Technical Education and skills development authority (TESDA)

Ayon kay Genevive Sanchez ng TESDA-Pangasinan sa nasabing kompetisyon ay 14 ang pinaglabanang Skills Area of Discipline.

Ang mga kinatawan ng Pangasinan ay sumabak sa labing-dalawang skills area, at mapalad na nakapag-uwi ng limang ginto at limang pilak na medalya.

Sinabi ni Sanchez sa sonshine radio na namayani ang galing ng mga pangasinenses sa graphic design technology, information technology network system administration, mechanical engieering design, refrigeration and airconditioning, restaurant service, wall and floor tile design at welding.

Ang mga nanalo ang magiging kinatawan ng rehiyon uno para sa National Skills Competition.

Speak Your Mind

*