Timothy Bradley, pinagpipiliian din na makakalaban ni Manny Pacquiao

Bukas si Top Rank Promotions CEO Bob Arum sa posibilidad na makaharap muli ni Timothy Bradley si Pinoy Boxing Superstar Manny Pacquiao bago ito magretiro para sa kanyang karera sa politika.

Kung manalo aniya si Bradley sa kanyang laban kontra sa dating Lightweight Champion Brandon Rios sa Nobyembre 7, maaari umanong mabilang siya sa kanyang mga pinagpipilian sa huling laban ni Pacman.

Gayundin naman si Rios, kung maging impresibo ang maging panalo kay Bradley.

Ilang ulit nang inamin ng trainer ni Rios na inaambisyon muli nila na magkaroon nang rematch sa Pinoy Ring Icon.

Sa ngayon sina Terrence Crawford at Amir Khan matunog ang pangalan sa mga pinagpipiliang makakalaban ni Pacman sa huling laban niya sa susunod na taon.

Speak Your Mind

*