Tinaguriang “Tenor ng Bayan” na si Nolyn Cabahug, patay na

Nagluluksa ngayon ang music industry dahil sa pagpanaw nang singer at tinaguriang “Tenor nang Bayan” na si Nolyn Cabahug.

Magugunita na dumanas nang sakit sa kidney si Nolyn na sumailalim din sa ilang medical procedure.

Nakamatayan na ni Nolyn ang inorganisang benefit concert para sa kaniya sa darating na Nobyembre a-singko na gaganapin sa Dela Costa Makati na pangungunahan nina Dulce, Richard Merk at ilan pang mga mag-aawit.

Si Nolyn ay naging bahagi nang opera sa papel na Crisostomo Ibarra noong 1987 at La Traviata noong 1990.

Miyembro din siya nang UP Concert Chorus na nag-tour sa iba’t-ibang bansa katulad nang U.S., Canada at Europa noong 1981 at 1983.

At nanalo din sila sa mga kompetsiyon sa ibang bansa kabilang ang Germany, Netherlands at Australia.

Hindi rin lingid sa kaalaman nang lahat na kasama siya ni Ryan Cayabyab sa music studio bilang operations manager.

Speak Your Mind

*