Tony Weeks, itinalagang referee sa bakbakang Rios at Bradley

Pormal nang itinalaga ng Nevada State Athletic Commission si Tony Weeks bilang referee sa bakbakang Brandon Rios at Timothy Bradley sa Nobyembre a-siyete.

Nakasama na ni Rios si Weeks sa naging laban nito kontra kay Mike Alvarado noong 2013 at sa laban din nito kay Oscar Maze noon namang 2009.

Si Weeks din ang naging third man on the ring nang magharap sina Bradley at Diego Chavez nitong nakaraang taon.

Kasabay nito’y inanunsyo rin ng NSAC ang magiging judge sa laban na sina Burth Clements, Dave Moretti at John Mckaie.

Speak Your Mind

*