Trapiko sa North Luzon Expressway, nag-umpisa ng lumuwag

Nag-umpisa nang lumuwag ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway ngayong hapon.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni Kiko Dagohoy, tagapagsalita ng NLEX na kahapon pa ay nagsi-uwian na pabalik ng Metro Manila ang mga nagdaos ng Undas mula sa iba’t ibang probinsya.

Samantala, malaki naman, ani Dagohoy, ang naitulong ng inilunsad nilang portable toll collection system at spare lanes para mapabilis ang pagbabayad ng mga motorista sa Toll Plazas.

Inihayag din ni Dagohoy na sa papalapit na Pasko ay tiyak na gagamitin na ng NLEX ang naturang Toll Collection System.

Speak Your Mind

*