Truck caravan, ikakasa para iwas port congestion

Nagbanta ang malaking grupo ng mga exporters, truckers, licensed brokers na magsagawa ng truck caravan bilang protesta sa mabagal na pagpapalabas ng mga container trucks sa pier.

Tinukoy ni Neri Zapata, pangulo ng Aduana Business Club ang kasunduan sa pagpapatupad ng terminal appointment booking system at online cargo release system para maging maayos ang pagpapalabas ng mga trucks.

Binatikos ni Zapata ang hindi pagtalima ng Asian Terminal Inc. sa nilagdaan nilang moa upang mapabilis ang pagpapalabas ng mga container trucks at hindi abutan ng total truck ban sa panahon ng APEC Summit.

Target sana ng grupo na mailabas sa pier ang may 5,000 container vans upang maiwasan na naman ang port congestion.

Speak Your Mind

*