Tumba – tumba Festival sa sto. Domingo, napuno ng katatakutan at kasiyahan

Isa sa nagiging pangunahing atraksyon tuwing undas sa lalawigan ng Nueva Ecija ay ang Tumba-tumba Festival sa barangay Cabugao sa bayan ng sto. Domingo.

Iba’t ibang senaryo ang makikita sa bawat sitio sa pagtutulungan naman ng mga residente.

May isang sitio na pagpasok pa lang ay puno na ng krus ang kalye na tila sementeryo.

Mayroon ring mga mangkukulam, bumabangon na patay, zombies, tiyanak at iba pa.

Ayon kay Punong Barangay Edgardo Pascua, aabot na sa 50 taon ang isinasagawang Tumba-tumba Festival na bahagi na ng tradisyon sa kanilang lugar.

Ang Tumba-tumba Festival at dinarayo rin ng ilang bakasyunista para matunghayan ang kasiyahan at katatakutan na hatid ng aktibidad.

Speak Your Mind

*