Tunisia, isinailalim na sa tatlumpung araw na State of Emergency

Isinailalim ni Tunishian President Beji Caid Essebsi sa tatlumpung araw na State of Emergency ang buong Tunisia matapos ang pagpapasabog dito sa isang bus.

Kasabay nito, nagpatupad din si Essebsi ng curfew sa buong Tunisia.

Labing dalawa ang namatay at dalawampu naman ang sugatan sa naturang pagpapasabog na kagagawan ng hinihinalang teroristang grupo ng Islamic State.

Kaugnay nito, nanawagan si Essebsi ng kooperasyon mula sa iba pang bansa para labanan ang mga teroristang grupong nasa likod ng mga pagpapasabog sa Europa at Middle East nitong mga nagdaang linggo.

Tiniyak ni Essebsi na nakahanda ang kanilang bansa para labanan ang terorismo sa ilang bahagi ng mundo.

Speak Your Mind

*