Turismo ng Pilipinas, nanganganib sa “tanim bala” sa NAIA

Nanganganib na maapektuhan ang turismo sa bansa dahil sa usapin ng tanim-bala modus sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ayon kay Nenette Aguirre – Graf, Vice President ng Boracay Foundation, dapat bilisan ng mga otoridad ang pag-aksyon para mabigyan ng katiyakan ang mga biyahero na ligtas pa ring lumabas at pumasok sa bansa.

Sinabi pa ni Graf, marami na sa kanilang foreign counterparts ang nagtatanong hinggil sa usapin dahil sa nababalitaan nila ito sa social media.

Iginiit ni Graf na kung hindi agad masusulosyunan ang problema ay mababalewala ang kampaniya ng pamahalaan at ng mga pribadong kumpaniya na manghikayat ng mga turista sa bansa.

Speak Your Mind

*