Turismo, pinaniniwalaang lalakas sa pagdaraos ng APEC Summit sa bansa

Malaking tulong ang gaganaping APEC Leaders Meeting para mas lalo pang lumakas ang turismo sa bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Ramon Jimenez, ito na ang tamang panahon para maibida nang pilipinas ang likas na kagandahan nang ating mga lugar at maipakita ang kabutihang loob nating mga pilipino sa mga delegado na darating sa bansa.

Maaarin din aniyang mamasyal sa iba’t-ibang mga tourist spots nang bansa ang mga delegado kung naisin nila sa pagitan nang kanilang mga pagpupulong.

Opisyal nang bubuksan bukas ang APEC Expo Philippines 2015 kasabay nang isang press conference na tatalakay sa mga isyu na pag-uusapan sa APEC Leaders Meeting.

Inaasahan na magsisimula nang dumating sa bansa sa araw nang linggo ang mga delegado mula sa iba’t-ibang bansa.

Speak Your Mind

*