U-S President Barack Obama, binisita ang paris terror sites

Binisita ni U-S President Barack Obama ang mismong lugar kung saan nangyari ang malagim na terror attack sa Paris, France.

Matapos dumating sa Orly Airport ay agad na dumiretso sa Bataclan Concert Hall si Obama kasama sina French President Francois Holland at Paris Mayor Anne Hidalgo para mag-alay ng bulaklak at panalangin sa mga nasawi sa trahedya.

Magugunitang mahigit isang daan ang nasawi sa mass shooting at suicide bombing sa Paris noong isang linggo.

Ito ang itinuturing na deadliest attack sa France sa mahigit kalahating dekada.

Si Obama ay nasa Paris bilang pagdalo sa Conference of Parties (COP21) na layuning mabawasan ang epekto ng climate change sa mundo.

Speak Your Mind

*