Umano’y naranasang fishkill sa lungsod ng Dagupan, pinabulaanan

Walang naganap na fishkill sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang binigyang diin ni City Agriculture Officer Emma Molina, kaugnay ng balitang lumabas sa nasyunal na pahayagan.

Nilinaw ni Molina, na mayroong ilang namatay na isda sa mga palaisdaan ngunit wala namang nangyaring malawakan na insidente ng pagkamatay ng isda sa kailugan.

Paliwanag nito na posibleng ang papalit-palit na temperatura sa tubig na tinatawag na ala-al ang sanhi ng pagkamatay ng isda na pinalala pa ng overstocking.

Ang napabalitang pagkamatay ng isda sa fishpond ay masasabing isolated case.

Ang fishkill naman na tinatawag ay ang malawakang pagkamatay ng mga isda sa kailugan, sanhi ng mababang dissolved oxygen sa tubig.

Speak Your Mind

*