Umanoy pagkalugi ng mga airline companies dahil sa APEC Summit, pinabulaanan

Hindi lugi ang mga airline companies ng bansa dahil sa APEC Summit.

Ito ang binigyang-diin ni APEC 2015 National Organizing Committee Director General Ambassador Marciano Paynor hinggil sa lumabas na balitang umabot na umano sa isang bilyong piso ang nalugi ng mga airlines dahil sa APEC Summit.

Paliwanag ni Paynor, bago pa isinagawa ang nagpapatuloy ngayon na World Leader’s Meeting ay napaghandaan na ito ng mga airline companies.

Nilinaw din ni Paynor na ang sampung bilyong pisong ginastos ng pamahalaan sa apec summit ay naibalik na rin bunsod ng napakaraming negosyong nakinabang dito partikular na sa sektor ng transportasyon, mga hotel, restaurants at iba pa.​

Speak Your Mind

*